KAPE

Isang mainit na kape
Para sa pusong di mapakali
Ito na lamang ang nabibigay init
Sapagkat ang damdamin mo ay kay lamig

Sa bawat higop
Natatamasa ang tamis at pait
Tulad ng mga yakap at halik
Sayo lamang nakakamit

Ngunit ako'y napaluha
Nag iwan ka pala ng sugat sa dila
Di ko inakala
Pag-ibig mo ay naglaho na pala

Sa mga matang sanay nang pikit
Sa pusong manhid na sa sakit
Isang basong kape ang gigising
Sa puso kong nananaginip na ikaw ay akin

Comments

Popular posts from this blog

Sample Goodbye Letter to your Ex-lover